HAPPY GRANDPARENTS DAY!!! ATBP..
Disclaimer (me ganun??): nagbabalik ako sa paggawa ng blog..ayoko ng maglipat bahay andami rekotitos..kung me gagawa para sa kin hala..sige go..
okay simulan na natin..
First time ko makarinig ng ganitong day..pero it’s good..dapat matagal ng me ganito, may kaunting celebration sa bahay kaunting salo salo at for the first time since pag uwi ko nakumpleto kami..
Sky Cable..
Walandjo, kundi ka ba naman mamalasin, ilang gabi akong nagpupuyat mapanood lang ang US Open (tennis tournament), sabado ng gabi nag handa ako magpuyat, lamang ang underdog na pambato ko (Andy Murray) ke Nadal, hayun inulan ang tournament, me bagyo kansel ang laro..
Umuwi ako maaga ng sunday since Granparents day nga, plano ko din matulog ng maaga kasi nga gusto ko manuod ng live telecast ng US open ng mga 4am d2 sa pinas, matutulog na ko ng bigla kong narinig ang tawag ng Tatay ko “Del, Del” nawala ang cable!…tatawagan nya daw yung customer service, sa isip isip ko aba ang tatay ko, me kusa na talaga pagdating sa ganyan at ang tapang ha, customer service daw, pero di nya natawagan, busy daw.
Naalimpungatan ako ng mga 12, sabi ko try ko kung me cable na. hayun wala pa!! nagising din ang tatay ko, ang unang sinabi nya “ikaw naman tumawag sa sky cable..eto number at eto yung box number kelangan yan e..e di tawag ako hayun nag ring..
Ako: hello..
Customer Service: Yes, ano yun?
Ako: mega explain in taglish..regarding what happened ganito ganyan
Customer Service: Ano ho yun sir? pakibagalan po ang pagsasalita..
Ako: ah okay, ganito kasi (explain yung situation)
Customer Service: Ahh sir taga saan ka..
Ako: Valenzuela
Customer Service: ay wala talaga, inaayos nila ang area ng Valenzuela, Malabon, etc.. etc..
Ako: mga kelan kaya maayos?
Customer Service: Ahh saglit lang yan..maya mya
Ako: Anong oras?
Customer Service: basta maya maya antayin mo lang..
Ako: Okay sige..
comment: sobrang demand na talaga dito for international call center agents / customer service agents at mga naiwan sa local ay ganitong klase, susme..kaya pala at ease na at ease ang tatay ko!!!
eto pa..antayin ko nga daw? gising ako ng alas dos wala pa..alas 4 wala pa..at hanggang ngaun wala pa..pambihira kung kelan namn finals, kung di ka ba naman mamalasin..pero nanalo naman ang gusto ko manalo, salamat sa internet..pero ganumpaman inisip ko kung inantay ko..at wala naman..
Drivers License
Sa wakas after 2 weeks of waiting okay na ang license ko..kunin ko mamaya..diko alam kung anung hokus pokus ang ginawa nila para ma renew yun pero wupeee!!!
BIRTHDAY BINGGO
Simula july 4 e wala na ko ginawa kundi pumunta ng birthday, dame din activities..hihimay himayin ko lang..
JULY 4 - Philip’s Birthday…Kiddie surprise party na inorganize ng kanyang wife to be na si lyn YUCKKKKKKKKKKK!!!, masaya at mukhang nagsisi ang hostess (di po yung mga nasa escolta, emcee na babae for short)..super hyper lahat ng visitors..natapos mga 11.30 at nakauwi ng bahay..mga 12.15..since andame pa seremonyas bago matulog..nakatulog ako mga 1am..
JULY 5 - Despidida ng Bday ko..me kumalat na email tungkol sa mga reactions nung kiddie bday party..lahat ng mga SFC na sikat (YUCKKK) e recipients, eto po ang nakalagay : ‘Hey..dont forget the asalto for kuya del..’ e naka cc ako! ayun buking sila..
since 3 araw na akong argabyado sa opis, sabi ko na pagkakataon ko na para ako naman ang umuwi ng maaga..pumayag naman ang amo ko..sabi ko kelangan magpahinga para sa surprise nila mamayang gabi (kapal di ba?)..
Sumapit ang gabi..although laging ni reremind ng mga kontrabida na wag ako umasa..e umasa talaga ko..
Sa practice ng music min. lagi akong inaalaska ng mga kasama ko..nag order kami ng pizza..excited ako sa bawat doorbell.ayun sumapit ang alas dose walang asalto..ang nangyari asar talo! para wag daw ako malungkot e ang mga memeber ng music min. nagkaroon ng honor-honoran, actually inokray ako hindi hinonor..nung tapos na balik practice at ako gusto ko ng umuwi dahil kinabukasan ay may talk ako sa CO at gusto ko reviewin ang talk! pero sila practice pa rin kahit yung mga kanta e di naman namin kakantahin..ako gusto ko ng umuwi..
July 6 - 1 am…ayun dumating ang mga mag aasalto..natuwa ako siempre.. pero ayun nga sabi ko sana dumating kau ng maaga kasi alas 7 ang covenant orientation bukas!!..nakauwi na kami ng mga 2am..nagbasa basa pa..nakatulog ako..3.30am
tuloy ang birthday…
7am..nagising ako, pagtingin sa relo..tumawad pa ng 30 mins (bait di ba)..dumating din sa point na sabi ko anu kaya kung malate na lang ako at wag sumabay sa shuttle papuntang venue..magtataxi na lang ako..pero susme jebel ali nga pala yun at yung ipang tataxi ko e pangkain ko na ng isang linggo..
samakatuwid nakarating sa venue ng maayos..at siempre panay ang bati ng happy birthday..okay naman ang naging covenant..light yung atmosphere..
nag talk ako..basta nag talk lang ako..pero parang hinahabol ang hininga ko kasi panay ang sabi nila na bilisan ko..e di bilisan..basta ang diko malilimutan e ang linyang sinabi ko "They call me galante..but i prefer generous (nag pause ako ng mga 3 seconds, wondering kung bakit ko nasabi yun, sabay bawi)..di ba hinonor ko yung sarili ko..hapi bday to me!’
After the covenant (4pm na yun)..diretso kami ng pizza hut..blow out ng mga leaders ng chapter 2..kahit lahat e gusto ng umuwi muna at matulog e mas pinili pa rin na magsama sama kame..ayun me honoring din na nangyari..halos iisa lang ang nasabi nila "abnormal daw ako!" but madami din silang nasabing maganda na hindi ako aware na meron pala ko nun, gaya ng pagiging "malalim (deep person)"..nyek! e ang babaw nga ng kaligayahan ko e….anyways thanks guys!! dont worry ill take ur advices!
natapos kami mga 7 pm na..
direcho kami sa talk9-baptism..prayer partner ako..pero dahil pagod na pagod na nga ako..nanalangin ako na sana me ibang nahanap yung kumuha sa kin..pero pagpasok pa lang sa venue ayun si brother sinalubong ako sabay sabing "handa ka na?" susme, walang ligtas..nag try din ako humanap na baka merong me gusto mag prayer partner..ayun..wala! kaya ako lang talaga, pero with all honesty di sumagi sa isip ko na ayaw ko, its jut that pagod na pagod ako at wala na kong lakas..but worth it ang pag prayer partner ko..everything went ok..
natapos ang baptism..ayun nagkaroon ng tribute for bday celebrants, may cake bawat isa….and diko inexpect na kasali ako dun kasi taga ibang planeta ako (chapter 3 CLP yun..e dugong Chapter 2 ako)..touch ako sobra..tnx ule mga taga chapter 3, sa mga kapatid ko dun..(siya magaling na kau!)
Me praisefest..ayun mahaba haba siya at kitang kita mo na yung mga lumagare pa hanggang umaga na nakaupo na lang sa sobrang pagod (isa ako dun..sakit na ng paa ko)..nagulat na lang din ako na me isang bro na lumapit sakin at nag sosorry..kaya pala inapakan ang keyk..ayun ang keyk na naapakan di na pinakinabangan..natapos ang baptism alas 12..
July 7 - after baptism me planong asalto for a sister..since close close na kmi..ayun sumama kame..na surprise naman siya, kahit mukha kaming eng eng kakatago..ako din na surprise ule kasi bumile ule sila ng keyk..kapalit nung inapakan..mga 1.45 na natapos..ang tibay..
nakatulog ako 1.45 am..
me karugtong pa ang celebrtation na yun ng sister na me bday nung gabi..kanya lang di ko na kinaya..plakda ako nung gabi but nagising din ako..pero plano ko talaga pumunta kanya lang latang lata na ko..nahirapan na ko matulog (nakuncennya sa di pagpunta)..nakatulog ako 2 am na
July 8 - haayyyyyyyyyy..bangang pumunta sa opis..pero birthday ng aking hhold anak na si butch..ang sabi nya e lunes daw siya magluluto..di kami nagkaintindihan..ayun naghanda siya sa mismong araw ng bday na..siempre kelangan pumunta..nag service meeting muna ang upper hhold ko sa isang pinoy resto..treat ng aming dakilang inahin (mama koks)..
then nagpaalam para punta sa birthday..ayun masaya ..unang una ksai me vidok..nagpaalam kami ng 12am..but aywa ng tatay ng celebrant..ayun pinaghanfa pa kami ng keyke..siempre habang kumakain vidok.. pagdating ng 1 am..e talagang nag paalam na kame, linya ng tatay "next time tagalan nyo naman"..gusto yata nya overnight kame dun..di pa nakuntento sa pagiging hospitable, ayun hinatid pa kame..ayaw na nga naming sumabay kanya lang parang mananakit siya..kaya ayun sumabay na kami..
nakatulog ako 2 am..
kelangan kaya ule ako makakatulog ng mga 15 hours straight..
me wish nga pala ko..sana wala namang mag bday ng July 9!! kung meron man..happy bertday na lang..kwentuhan mo na lang ako nang maaring mangyayari mamaya..
Hello Dubai ule..balik pinas experience
After a long time eto ko nasa blog na naman…gusto ko sanang lumipat sa ibang blog site kanya lang kuntento nako d2.. As you all know umuwi ako ng Pinas and in less than 24 hours in counting pabalik nakong Dubai…ang hirap talaga! As in…ang bigat sa loob..sa maniwala kayo at sa hindi habang isinusulat ko to, lumuluha ako..
Maraming nagtatanong kung ano ba ang rason kung bakit napaaga ang uwi ko, yung dapat na September, e naging June..isa lang ang sagot ko..gusto kong magpahinga, mag relax..feeling ko kasi drain ako sa lahat ng bagay, kelangan ko ng panibagong lakas, ng kaunting pag aalaga..siempre alam kong mangyayari yun pag uwi ko sa pinas (at super spoiled ako lalu na sa aking ina).. pero walang naniniwala..pero totoo po yun..ang balak ko sana ay maglagi lang sa bahay at wag magpakita sa mga kakilala..actually tagumpay ang planong yun at first..kasi dumating ako ng Pinas na ang parents ko lang ang me alam na uuwi ako..madaming nagulat o nabiktima..(actually pati parents ko nagulat din kung bakit me uuwi..at nagkamali pa ko ng pag inform sa kanila kung kelan ako susunduin, sabi ko Tuesday kaya punta sila sa airport ng Tuesday pero actually Wednesday ang dating ko..kaya twice sila nasa airport..sign of aging o katangahan..be the judge!!) Eto ang samu saring reaksyon ng mga taong nabiktima ko sa aking pagdating..
1. Aldrin my eldest nephew na super bait na now (totoo po yun gusto nyang mag pari) – binuksan at sinara ang gate na wala siyang alam na isa ako sa sakay ng sasakyan..pagbaba ko diretso ko sa pinto (karga ang pamangkin kong tulog)..sabay pasok..ang reaksyon nya…HUY SINO YUN?? Parang si ninong del yun a!! nung magkita kami..presto ako nga!
2. Andrei my 1 year old nephew na kamukhang kamukha ko (cya yung karga ko na tulog) – since karga ko nga siya at tulog siya..biglang nagising..ang reaksyon :”Waaaaaaaaaaaaaaaaaa…uhaaaaaaaaaa..uhaaaaaaa (interpretation: sino kang monster ka..bakit moko buhat?????????)
3. Ang ate ko – pagpasok sa pinto di nya alam na nandun ako, pero bago yun tawag muna siyang phone sa nanay ko at sabay tanong na kung me padala pako (kasi nga ang alam nila me papadala lang ako sa ka opism8 ko)..sabi ng aking ina, cge punta ka d2 kunin mo..kaya nung makita nya ko ang reaksyon “Ay! Bakit ka nandito? Ang sagot ko: oo nga no? bakit ba ko nandito..?? (bait di ba?)
4. Tiyuhin ko – since medyo buking na ng iba..nagpunta nako sa mga kamag anak ko para ibigay ang pasalubong..siempre yung iba gulat pero ang reaksyon ng Tiyuhin ko nung magmano ako “SINO KA?” susme yun ang di ko kinaya..siempre sagot naman ang Tita ko..”Tanga si Del yan!..sagot ng Tito: sinong Del ?..ayun malabo na daw kasi pala mata.. pero palaisipan pa rin sa kin kung bakit di nya nako kilala..(di kaya malabo ang isip, hindi ang mata)
5. Herlyn (SFC sister) – bday ng isa kong pamangkin kaya kakain kami sa Jollibee sa SM Valenzuela..since wala nga ko pinagsasabihan na akoy uuwi..nagkasalubong kami ni herlyn..e nagkagulatan, ang reaksyon nya “Kuya Del ikaw bayan?”..ang sagot ko “di masyado!..medyo naalarma ko kasi nga baka kung anu ang sabihin na naman ng mga SFC friends ko na naglihim na naman ako kaya, text ako sa herlyn ang sabi ko “Wag ka muna maingay in due time sasabihin ko sa kanila na I’m here…ayun! Wala pang limang minutong nasesend ang message e me sumulpot ng isa pang ka sister (amor ang name - binalita na ni herlyn for sure)..kaya ayun buking..
6. Ate Anna – ang dating partner ko (as unit head) siempre tinawagan ko na, eto reaksyon niya “O del, kamusta ka na? kamusta naman diyan (diba di nag checheck ng caller id)..sagot ako:mabuti naman d2, sana alam mo kasi pareho lang tau ng lugar ngayon..ate anna andito ko..sagot siya: saan? Sagot ko: d2 sa likod mo? Sagot nya: wala naman a! inamin ko na rin na nasa pinas nako..pero ang tgal din nyang mawari na nasa pina talaga ko
7. Obet – nung tinext ko nung una akala ko e okay lang ang batuhan naming ng messages at sumasakay pa siya pero bigla biglang nag text ng :”Humanap ka ng lolokohin mo!!…ayaw niyang maniwala!! Eventually naniwala rin!! Madami pa kong nabiktima..gya ni reyna alma..a few minutes ago papuntang pinas nung nasa Dubai ako tinawagan ko siya sabi ko baka September ako uwe..maging ang iba kaya shock sila..!!pero iisa ang reaksyon nila..”Ang taba mo!!!” dati conscious na conscious ka sa katawan mo..anung ginawa mo…ang depensa ko “hiyang e..tsaka sinadya ko yan..kung ngayung mataba nga lang ako e dame na naglalaway sakin wat if kung pumayat ako???(dpensa ko lang po yun) Nabiktima rin ako ng Tatay ko..nung huling uwi ko nung September pinagmalaki niya na ang aking mabait na Kuya ay nagbago na..nung sinundo nila ko sa airport nung pag uwi ko ngayon..di pa nag iinit ang puwet ko sa upuan ay ayun presto! Me problema na namang ginawa ang Kuya ko..kaya yun medyo sakit na naman siya ng ulo at umiiwas talaga ko kasi ang tingin siya sa akin ngayun ay isang malaking piggy bank!!di sa ayaw kong magbigay (although ang term nya ay hiram), kanya lang alam kong sa kung saan na naman nya gagamitin ang hihingin nya!!
ACTIVITIES
Eto ang mga ilang kaganapan ng aking pag uwi
Andrei’s 1st birthday
Masaya……..ang mga bata…..ewan ko ba, talagang di ko trip makipag socialize, since madami akong kamag anak nung tym na yun..siempre I have to be pleasant and accommodating..kaya ayun..pinupulikat na naman ang bibig ko sa pagngiti..yung isa pa dun (pinsan ko di ko nakita for 2 years)..tinanong pa ko kung kilala ko ba mga anak nya..sabi ko OO (kahit hindi)..ayun buking mali ako ng tinurong bata!!..e malay ko bang anak nya yun??umalis yata ako wala pang buhok at ipen yung anak nyang yun e!
Batangas Outing
Masaya….uli ang mga bata..super init..though enjoy na rin kasi nature nga..i find peace pag nature..di ko kinaya ang init kaya hanap kami ng nanay ko ng puedeng matulugan at mapag pahingahan na aircon na kuwarto..since ang lahat ng resort dun ay fully booked nag scout pa kami ng mga lugar..una naming pinuntahan..isang bahay at pinapaarkila ang kuwarto 4,500/-..ang sabi ko: isang gabi lang ho kami hindi isang buwan..pangalawang bahay..ayun 4,500/- din pero since napakiusapan na ako lang ang magpapahinga, natawaran ng 2 thousand pero sabi ko hanap pa kami ng iba..pangatlong bahay..actually yun din yung pangalawang bahay na tiningnan naming iba lang ang nag alok..ayun 1,500 lang…afterwards punta kami tagaytay..
SFC get together kela Joy
Since dyahe naman kung di ako magpakita sa mga SFC friends ko d2, ayun nag set ako ng get together namin.. ayun masaya naman kanya lang dameng nagbago..pilit nila ko nilalagay sa hot seat pero di sila nagtagumpay
Baguio Trip
Walang gustong maniwala na pupunta ako ng baguio na mag isa..pero nagawa ko, medyo emotional ako kasi nataon na fathers day, yung pakay ko sana dun sa baguio..wala..ayaw ng magparamdam..Gods will na rin siguro..manghang mangha ako sa kagandahan ng siudad nay un, especially nung time na nasa SM baguio ako at me overlooking..kahit sabihin nilang iba na ang baguio at dina kasing ganda ng dati..still… theres no place like baguio talaga..pero dami na ring tao dun..napaaga ang pagbalik ko sa maynila kasi nga fathers day..nagkataong wala ng aking ina sa bahay gawa ng dinalaw ang tiyuhin kong nasa Ilocos (opo yung tiyuhing ko na sosyal ang gatas na tig 1,300)..kaya uwi agad at nagdasal na makaabot ako before 7 pm..umabot naman at na celebrate naman!!
Out of Town Swimming..
Pagkayabang ko daw sa pagsasabing out of town..e out of town naman talaga yun kasi nasa maynila ako at sa bulacan kame nagswimming (yun nga lang 15 mins. Lang byahe kasi nga taga Valenzuela lang ako)..ayun enjoy naman..parang early bday celebration ko na rin at pa bday ke socky).nanumbalik yung tym na me mga outings kami at parang mga batang naglalaro…4 am na kami uwe at medyo nagkangaragan kasi kinabukasan ..
CFC 26th Anniversary..
Me mga naging balakid but I made it kahit sa mass lang.. I felt na malaki na talaga ang CFC community..me mga nasermunan pako kasi nga mga ayaw magsipuntahan ng iba..kako “yung iba galing pang Mindanao at bisaya at kung sang panig ng daigdig e dumayo pa…kayo taga dito lang kau….di kau nag effort!!
Madame actually nangyari sa 3 weeks na pamamalagi ko..ang pinaka highlight ng lahat siempre is spending lots and lots of time with my family..kung before kaya kong sabihin na kayak o kahit wala sila..ngaun it breaks my heart to leave them…but ang magandang part dun they are very okay now..especially my parents..yung bahay naming masigla ule (though me problema pa nga sa kuya ko)…at ang bahay naming gaya ng dati..Open House ule!!!!…me mga problema..pero mas madali ng nasosolusyunan kasi nga in tact na sila (sana ma solve na rin yung sa kuya ko)
Sa SFC d2, di ko rin nagawang umiwas..ang lakas ng radar nila, me nangyari din sa Discovery Weekend (kahit di ako sumama e updated ako), na kinasama rin ng luob ko kasi parang di pa rin nagbabago ang ibang unit sa pam bubully sa Sto.Kristo Unit..pero ang maganda nun Ive realize at pinabatid sa kanila na having Tolits (special child) is a blessing kasi he’s special at binigay sa unit yun kasi Sto.Kristo can handle someone like him..unlike others na Normal nga sila pero di pa rin nila kayang dalhin ang sarili nila..at me maganda ring nangyari bago ko rin me umuwi kasi yung mga dapat ipa realize nga e nasabi ko naman..nga lang..di pa rin concrete ang mga replies but its positive.. kung gagawin nga nila..pero i’m still praying for them..sa career at service nila!! and i thank them na kahit baliw ako..i still feel the love & respect galing sa kanila…love u guys!! continue to soar higher..yung gift ko ke Tolits dont forget!!
Sa sarili ko..ewan ko..magulo pa rin..masaya ako na malungkot..pero life has to go on..di yata maiiwasan yun..as of the presstime (watttttt)..im preparing kasi in 3 hours time.. I’ll be leaving my home..in 5-1/2 hours ill be leaving my loved ones & in 7-1/2 hours I’ll be leaving my country..kung saan nandun ang lahat ng bumuo sa akin kung ano ako ngayun..but babalik ako sa lugar kung nasan ako mas nahubog at sana makumpleto… waattttttttttttttttt!!!
GK Rally & then…
Tapos na naman ang isang kabanata ng singgolympics…
Pangalawa kami (Blue team), not bad!!..akala ko nga pang third kame, matapos makita na kulelat kami sa cheering, banner at punctuality..tama ang unofficial tally namin..Red ang nanalo..they deserve it..pinatunayan nila na through thick and thin..thick pa rin (ano raw?)..i mean i honor them kasi just in time ang pagkapanalo nila para mas motivate sila ng husto for the CLP (o ayan sheila mame at gina dela vega..bawi na ko)
Kagabi ang awarding sinabay sa GK rally..
Maayos naman ang GK rally (may mga technical problems lang, lagi naman yun ang problema - ang tamang cueing (tama ba spelling ko), ang daming nalikom for GK, pakiramdam ko nga isang buong country na ang kayang ipatayo ng nalikom namin (hehehe, yabang)
Marami rin pumuna sa T shirts namin, tinatanong nila kung bakit "Chocnuts" simple lang ang dahilan..kasi lahat kami diabetic…kaya yung me mga diabetes papagawa namin kayo.. (joke!)
After nun announcement na ng winners for the singgolympics..
Pinalad akong makapag uwi ng award "MV"P sa Mens Bowling, ganun din ang isang Chocnut "Best Center" sa basketball, medyo nagdalamhati ang isa kasi nag eexpect, in fairview nag eexpect din kami para sa kanya, kasi magaling naman talaga siya, kanya lang bilog talaga ang bola (ang layo na naman)..pero lagi namin sinasabi na wag nyang dibdibin kasi medal/trophy lang yun at yun nga..me award kami, ikaw wala (hehehe)..bata ka pa..pagbigyan mo na kami..ako malapit nako maging servant at yung isa e magiging referee na..eto ang tandaan mo, taon mo ang 2008!!!
Hinohonnor ko ang blue team, kahit minsan minsan nyong pinasakit ang ulo namin..hinohonnor ko yung mga bago, sa pag aadjust, sa pagpupuyat gabi gabi..hinohonnor ko din ang kagaya kong mga luma (isali ang sarili) ..we are proud sa inyo, kahit nagkakapaan pa tayo ng una, etong singgolympics na ito ang nag solidify na we can trust sa marami sa inyo..and 2nd is something este a big thing to be proud of..puro halos mga bago and yet we became a threat sa iba..Sana magtuloy tuloy…
Hinohonnor ko din si tito terry este ang red team..kahit di namin naramdaman na kinampihan nyo kami nung singgolympix (bitter talaga), pinatunayan nyong nagmamahalan talaga kayo.. (dpat lang)
Hinohonnor ko din ang yellow team..yung iba sa inyo nasa labas na ng balloon..mabuhay kayo!!
at ang Green Sharjah…di pa rin kayo nadala..hehhehe joke!! actually mas na enjoy namin kayo ngayon..
Kanya nga manalo matalo BLUE me victory party tayo.. although wala naman talagang natalo..
pero teka, pde bang walang comment……..mag cocomment ako!!
Best Banner - ang 2 team na nagpapayabangan na aang mga banner nila ay gawa sa sariling dugo at pawis at hindi ng makinarya ayun 3rd & 4th place..
Best Muse - wag kayong mag alala next year si Akiko Thompson ang muse namin..at nakapang fencing (peace!)
Punctuality Award - We deserve it! 249 members..alas 8 call time ang dumadating pa lang 8…….sakto!!
Cheering - gaya ng sinabi ko sana matuto kami sa mga sarili naming pagakakamali..at matuto kami sa mga pinanuod namin mga cheering..
MVP Bowling Trophy - ang cute puedeng gawin keychain (di naman ako bitter)..
Mythical 5 - dapat yata myhtical 6 yun..kasi bukod sa mythical 5 ay may bukod na MVP!!..so 5 + 1 = 6!!
Team Spirit Award - hanngang ngayon naguguluhan pa rin ako kung ano yung award na yun..ang nanalo iisang tao..e team spirit nga!!
Most Organized - lagi nilang binabanggit na may award na ganito..ang nagwagi………WALA!!!
Ganumpaman…napatunayan ng singgolympics na yan ang tunay na kahulugan ng team effort at cooperation..
So ngayon tapos na ang singgolympix..mag concentrate na tayo sa household at sa GK!!
SINGGOLYMPIX 07
SINGGOLYMPIX UPDATE
Bago ko ikuwento ang tungkol sa mga strike e hayaan nyo munang ibuod ko ang unang araw ng singgolympix ayon sa aking obserbasyon..pati na rin ang mga kaganapan bago at pagkatapos ng singgolympics..
Before the event!! (keep in mind Asul ang team namin)
Siempre dami preparations….lalu na ang paggawa ng banner, dati pa sinusuggest na pagawa na lang kami ng tarpoline bilang banner pero dahil subalit wala ngang nakakaalam kung san magpapagawa, ayun nag decide na lang na sariling gawa..kaya ayun ang isang member namin na sobrang ngarag na..e talagang pinagpuyatan ang banner..sa totoo lang kahit gaano ang kagaganda ang banner ng ibang team e proud ako sa banner naming dahil pinagtulungang pagpuyatan yun ng mga tao at hindi ng makina..
Nakatulog ako ng mga alas dos ng umaga, namalantsa kasi ako, inabot ako ng isang oras kasi ayaw matanggal ng gusot, natapos ang pamamalantsa at natulog nako, medyo mainit yung aircon namin sa kuwarto, at ang bentilador ko e gamit ng iba, di ako nakatulog dahil medyo mainit, gusto ko na nga sanang gisingin ang gumagamit ng electric fan at sabihing “kuya, pde pa share sa bentilador ko?akin naman yan at di iyo..hehehe” kanya lang nahiya ako kaya yun puyat ako!!
7 am ang koltime namin, nagising ako 6.45am, ang kasama ko sa bahay na si Ms Minchin e sinalubong agad ako ng “Ay naku ang banner nagkaganun nagkaganyan basa pa si ano hindi sinasagot ang ano, pupunta na nga dun si kuya ano..wala akong nasabi… kasi sumakit bigla ang ulo ko!! Twag ako kung kani kanino na alam ang bahay ni Ano, past 7 na ng tumawag ako sa isang ka asul..ke shuhada..eto ang conversation namin
Ako: Hello..shuhada..gud morning
Shuhada: unnnnnnnnnnnnng unnnnnnnnnnnggggggggggg..
Ako: ay tulog pa.. sige babay!
Diba ang husay? 7 am call time e past 7 ungol lang ang isinagot
After ko maligo ayun..ok na daw ang banner
Papunta na sa venue..ang MS Minchin mega comment, na kapag yang mga members nay an e late e malilintikan sakin yan..nang malapit na kami sa venue..ayun at nakalimutan ko ang mga t shirts na para sa mage mambers! (no shirt no play ang policy) Siempre kelangan kong bumalik.dahil baka ako isumpa ako ng mga me ari ng t shirts nay un, baka sabihin nila kung makasingil ka e akala mo tatakbuhan ka namin tapos di mo pala dinala ang mga t shirts!!!
Samaktuwid nag round trip ako and bumalik ule, pagdating dun e nanumbalik sa kin ang singgolympix last year..nung mahiyain pako, pero mas maraming highlights ngayun!!
Eto ang ilan..
1. Me mga dala akong mga maliliit na lobo..pinuna ako ng taga isang team..
Taga isang team: me pa ganyan ganyan pa kayo, kami eto simple lang, di daw sila naghanda
Ako: ganun kami e, me pagmamayabang kong sabi..
Nung magsisimula na ang program..Ang taga kabilang team na nag claclaim na simple..e naglabas ng mga bandana at mga ribbon na ultimo pang Olympics…diba humble sila at di masyadonng handa..
2. Turn na para interviehin ang mga muse…
Emcee para sa unang muse: ano ba ang sport na nirerepresent mo?
Unang muse: Volleyball
Ako to myself: bakit naka skirt? At maong? At fitted?
Emcee para sa pangalawang muse: Ano ang kaibahan ng team nyo sa ibang team?
Ako: ako po alam ko..alam ko kung ano ang kaibahan nila sa ibang team…ang baloon……..
Siempre di me puede mag comment sa muse namin..love
ur
own!!!
Emcee para sa pang apat na muse: Ano ang sport mo?
Pang apat na muse: Equestrian
Ako: wow sosyal.. Kaya pala umaga pa lang di ko na mawari kung bakit naka chaleko at naka boots si sister.
3. Time to Yell!!!
Ang team namin…nakatunganga..
at dahil tulog pa si shuahada at yung isang mag aasikaso sa cheering..ayun nakaisip kami ng yell..at dahil creative kami..ayun yung cheer namin nung isang taon pinalitan lang namin ng kulay..
Asul asul laalalalalalalalalal asul!!
Dame pa highlights…
Isa na dun, talo kami sa volleyball..ang galling kasi namin..me mga nagalit pa sakin di ko yata naipasok yung mga talagang magagaling..no comment ako dun..sila na lang lumaro sa susunod..
Pero panalo naman kami sa basketbol at volleyball girls na lalaban sa championship..
ang ibang result medyo pumanig sa chapter na nangangarir..chapter 3 yun! Di sila masyadong handa e..remember the ribbons??? At ang intensity nila, para talagang kakain ng mga tao…
Ang talagang highlights e nung magsama sama ule kaming
lima
after a long time..pagtapos ng singgolypix..medyo na miss ko ang mga pangit na yun..naipangako ko din kasi na tatapusin ko lang ang CLP at pag tutuunan ko na sila ng pansin..
STRIKE! Yung mga nagmarka na lang ang ialalathala ko..eto po yung mga bloopers habang magkakasama kami
1:
Impakto: Parang eng eng yung muse namin
Others: bakit naman?
Impakto: kasi tinanong siya kung ano ang nirerepresent na sport sumagot ba naman ng Equestrian (naka boots at tsaleko nga kasi si sis)
Others: nag isip..nagbulungan tapos sinabing “e yun naman talaga yun a!
Impakto: mga tanga! ang tawag sa taong naglalaro nun e “Equestrian” pero ang twag sa sports na yun e…Equestri!
Monster: Tanga! Ang tawag talga sa sports na yun e equestrian at ang tawag sa player nun e Jockey..Equestrian Jockey
Others: Ahh ok
Monster: sa isip isip lang..yun nga bayun? Parang ginawa kong Hinete..pero naniwala naman sila
2.
Tapos na ang dinner, siempre time for dessert
Bakulaw: eto fruits o!! (me pineapple at peach)
Barang: Ay ang sarap naman ng lychee!!
Bakulaw: Ha asan ang lychee?? Peach yan!!
3.
Halimaw: me dalang fruits..pakwan..pinya, apple atbp.
Impakto: Me melon ba
Monster: Tanga di mo ba nakikita? Me pakwan nga..
Impakto: Mas tanga ka!Ang sabi ko melon hindi watermelon!!
Monster: e parte din yan ng melon family!!
4.
Impakto: sarap ng ice cream o..kuya gusto mo ikuha kita
Monster: sige ikuha mo nga ako
Pagbalik ng impakto iika ika me dalang tubig
Impakto: eto lang nakuha ko pinulikat ako e..
Monster: anong koneksyon nun?
Impakto: (talagang nag explain)..kasi sumakit ang paa ko e mas malapit ako sa tubig..di na ko nakarating sa kuhaan ng ice cream..kaya tubig na lang kinuha ko
Monster:
Sana
di ka na lang kumuha e ayoko naman ng tubig
Impakto: e naisip ko kasi hindi ka pa yata umiinom ng tubig
Monster:
sana
tinanong mo muna ko kung gusto kong uminom ng tubig! Nangunuguna ka e..
5.
Sa park:
Bakulaw: Can I have 3 water?
Others: puede namang gumamit ng plural…
5. Strike 6:
Monster: paki buksan nga ang apartment sa likod, andun mga gamit ko
Barang: dipo kaya ng isang kotse magdala ng apartment..compartment twag dun
Ilan lang yan…dame pa ko updates..next is yung highlights ng bowling at board games event nung Wed. (Apr. 18) at nung Fun Games este "NOT SO FUN GAMES" kahapon (April 20).
Bagong Taon..
Dec. 31 - 8 pm..d2 sa dubai, pero sa pinas alas 12 na..it means bagong taon na!! hirap makatawag..bumili ako nang iaambag namin sa bahay for the media noche, kaya punta kaming karama, bile lechon manok sa andoks, since ang kasama ko e mag ne new year sa ibang lugar at tumawag na ang mga kasama niya, naiwan ako sa karama, since ayoko mag isa kasi baka mag emote lang ako, niyaya ko na lang ang pinsan ko, nag bonding kami sa chowking (yun lang alam namin bonding, ang kumain), try pa rin tumawag pero ayaw pa rin maka contact..
Uwi na ng bahay, ayun gahol sa pagluluto hanggang dumating ang magluluto, medyo alanganing oras na, kaya ayun ala una na yata nagprepare pa.. kaya ang sabi ko na lang isipin na lang natin na nasa US tau at di pa new year..pero sa totoo lang pabor sa kin ang mga handa, lahat nakakain ko..senyales ba ito na buong taon e laging pabor sa akin ang pagkain..
since ang sabi sa mga pamahiin ang senyales daw na gagawin buong taon e yung mga ginawa mo within the first day of new year..
isa isahin natin ang mga naganap ng january 1st
siempre
kumain - since media noche nga alangan namang titigan lang ang inihandang pagkain, siempre kelangan kainin mo..sign of di ako magugutom this year..yipi!
naligo - dahil sobrang bisi sa preparation, naligo ako after na ng media noche, which means..lagi akong maliligo, yun nga lang pagtapos na ng kung anumang celebrations (baligtad yata)
lumarga - after eat & ligo, ayun nangapitbahay ako, senyales yata na lagi akong magiging nasa kapitbahay..
nakipaglaro - isang buong taon din kaya akong makikipaglaro, at anong klaseng laro? apoy ba????????joke po!!!
nag one on one - since first few hours ng taon e nakipag one on one ako sa isang sister sa community, it means kaya na puro SFC activities ang aatupagin ko this year?e kung magpari na lang kaya ako..
matulog - siempre di kumpleto ang buhay pag walang tulog
nag tennis - magandanag senyales, kasi nakatagpo ako ng isang adik sa tennis, yun nga lang di ko siya masyado kinakaya, masyadong hyper!
matulog ule - siempre mas kumpleto ang buhay pag matutulog ka ule..at siempre kelangan mo ring
gumising - katakot yata yun kung puro tulog ka lang at di magigising
mag malling - magandang senyales kasi nakalabas ako ng mall na walang bitbit, it means magiging matipid ako this year, yun ang new years resolution ko..ang mag ipon!!
naranasan ko ring pagtulungan sa bahay..paulit ulit sila sa kung nasa anumang sitwasyon ako ngaun, dumudugo nga ang tenga ko..bakit di nila maintindihan ang difference ng 2 bagay!! pilit kong nililihis ang kwento pero pilit nilang iginigiit ang 2 bagay na yun..at kung anong dapat kong gawin..senyales ba ito na isang taong durugo ang tenga ko??pero sabi nga nila matigas daw ulo ko..isang taon din kyanag titigas ang ulo ko
eniweis year 2006 is a good year , especially sa latter part..dami ako nakilalalng bago, daming nagparamdam na luma na ang tagal ko ding hinihintay na magparamdam at nalaman ko kung sino ba talaga yung mga taong talagang maasahan..
HAPPY NEW YEAR TO ALL!!
long drive..
December 30, 2006 -
Ive got to experience God’s gift of nature for the 1st time in many months..or years???? beaches, trees, camels, mountains (kahit bato)
Finally yung plinano naming long drive natupad..though may mga ilang di nakasama, it went very ok..im with my 4 new friends..pero it seems wev’e known each other for long..I just knew this people just months back through the Infinity play..I was hesitant to be a part of this play, pero ang sabi ko na lang maybe God has his purpose / reasons, (as he always does), kung bakit niya ako sinali, now i now..sila pala yung purpose o reason..ang makilala sila & to be a part of each others life…in just a snap of a finger..ayun may instant kapamaliya na agad ako (sana magtagal).. sobrang tinitingala ko sila, ang tatangkad kasi (kung dati ako ang yumuyukod, ngaun lagi akong nakatingala)..
anyway mabalik sa long drive..me mga lugar kaming di naman talaga namin alam puntahan pero siguro God led us all the way, kasi nga he wants us to enjoy not only in exploring the beauty of nature but also to enjoy each other’s companies..
punta kami fujairah, khorfakkan & nearby areas, sobra enjoy ang road trip, bawal matulog!!!, hinto d2 hinto duon, plano pa sana naming mag swimming kanya lang wala naman palang marunong lumangoy kundi yung isa lang kasama namin, tska super lamig, gaya ng sabi ko we experience the beauty of nature..kumain kami ng lunch na sobrang hangin di kami makakain mabuti, pero ang 2 namin kasama taob ang kanin!
siempre di mawawalan ng mga moments,
hinto kami sa isang gas station, bili kami ng meryenda..silang lahat chicken sandwhich..ako donut, dahil gusto ko ng malamig na food at nag cracrave nga ako ng donut..pinainit ang chicken sandwhich sa microwave, ayun e di kainan na, nung ibinigay sakin ang donut..mainit din!! e di siempre tatahimik lang bako..nagreklamo ako!at ayun at ang nag init ng donut, sasagot pa..sabi ba naman.. "e malay ko ba na ang gusto mo sa donut ay hindi mainit!!!" siempre sinagot ko rin ng "pag ikaw ba bumili sa dunkin donut e pinapainit mo pa??!!" sasagot pa sana kanya lang na realize nya siguro na oo nga no!!! kaya ayun ang sabi na lang nya "oo na!sorry ng nga!!"..siya pa galit huh!!
dahil nga naka tsinelas lang ako, ng bigla silang mag decide na pumunta ng global village, e nag reak ako..pero wala rin akong nagawa..pero sa totoo lang na nararamdaman ko na magiging super daming tao sa lugar na yun..habang papauwi, e mali yata kami ng tinahak na daan..pero drive pa rin..nag rely na lang kami sa mga karatula pero sa totoo lang e di talaga namin alam ang tinatahak namin..me humirit pa na "dont worry were on the right track naman" siempre segunda ako, bsta makarating lang tau ng sharjah e madali na lang yun, ang importante e makarating lang tayo ng dubai and from there..sasabihin ko sana na uwi na lang tayo, kanya lang ang labanan e 1 is to 4, ako lang me ayaw at silang 4 gusto magpunta sa global village..umaarte pa yung iba na "alam mo kung ayaw mo talaga e wag na nating ituloy, mas mabuti na yun kesa ang isa e di mag enjoy!!..ikaw ba naman hiritan ng ganun e di siempre pilitin maging excited..kahit panaya ang kontra ko (kontrabida nga e)!
pero nawawala yata talaga kami..pero siempre pampalakas ng luob..ang sabi ko "di dapat tayo mag worry kasi me sasakyan naman tayo, madaling magtanong tanong"..pero nasa highway nga pala kami, kanino kami magtatanong?? sa kamel?? sige drive sige drive sige drive..after a few moments ayun ang apat naghiyawan, ako walang malay kung ano..naintindihan ko rin kung bakit??? isang malaking karatula ang tumamabad sa pagmumukha ko…….."TO GLOBAL VILLAGE!!!" di ba ang galing, ang mga kontrabida talaga di nagwawagi!!
Anyways, tama hinala ko, daming tao..gusto ko pa naman sanang sumakay sa rides kanya lang takot sila (baligtad yata), kaya lang dami pila!!kaya nag decide na lang kaming bumalik tutal hanggang feb pa yun!!
Cass, Hayes, Al & Daze..salamat ule!! u make my 2006 complete
HAPPY NEW YEAR DIN SA INYONG LAHAT
PASKONG BANGAG
First of all..Merry Christmas
Second of all..Merry Christmas ule..
Third of all..Merry Christmas again!!
Ilan lamang po ito sa mga kaganapan sa ikalawang pasko ko sa dubai..
matagal tagal ding walang update..kaya umpisahan natin nung..
December 15- SFC Dubai Christmas party sa Zabeel Park, ang umpisa alas 8 am, dumating ako alas dose..kasalukuyang nakabilad sa araw ang mga members dahil may palaro..buti na lang late ako..di nako mag eelaborate kung ano ang mga kagapanapan nung xmas party basta isipin nyo na normal na xmas party na ginagawa sa park ng may mga mahigit 80 tao na naglalaro ng amazing race (normal nga!)..basta at the end.. the traditional exchange gift..medyo di nga lang siya traditional kasi imbes na numero e pinaikot ikot kami hanggang sa makuha ang gift..nanalangin ako na wag yung mga kuwadradong maninipis ang mapunta sa kin, kasi tiyak na photo album yun o picture frame (pero yung iba mautak kasi naka paper bag), Ako, nung mapasa kin ang regalong para sa akin alam ko na medyo kulang sa hulog at malayo sa xmas ang nkuha ko…mabigat siya..at ang pagkakabalot magulo..ang nakuha ko..isang ginituang kamel na malaki..tinitigan ko ang ibang tao..ang sasaya nila sa mga nakuha nila kaya what to do kindi magsaya rin..basta iniisip ko na lang na "this camel will walk me through the desserts of my life"
Gabi, unang gabi ng simbang gabi..at dahil maraming pamaskong kanta, ayun dameng umiyak..di man ako umiiyak physically pero mentally umiiyak ako (meron ba nun?)
talon tayo sa December 19
Surprise bday para sa isang bakulaw..na surprise naman siya, dun yata nagsimula na yung di na nagkakahiyaan lahat..masaya naman, mas pinasaya nung cake na binili namin..ang ganda nung lettering, di masyadong halata na bagong gising yung naglettering..(imagine isang intsik na bagong gising??e mas ok pa yata ang bulag)
December 20
Tunay na bday nung bakulaw, treat nya kami..siempre kuwentuhan, out of the shell na, wala ng inhibitions kaming lima (bakulaw, impakto, halimaw, barang at monster) sa pag oopen up..pati yung pag hithit ko ng polboron at milo na iopen ko..hehehe,
December 21
To think na thursday yun..e kaming 5, di lumabas ng sama sama, yung 2 dun magpapahinga daw sila, yung isa nag teamhead sa party ng chapter nila, me XMAS party dun sa bahay ng isa kong anak anakan, ang tawag bakbakan este rakrakan daw, sa totoo lang parang ayaw ko na din kasi nga pagod, pero naisip ko na para naman akong timang kasi tuwing weeknights puyat ako pag dating ng weekend matutulog ako ng maaga..anyway masaya ang party, nahalata ko lang na pag me party e kelangan talaga nagdadala ko ng chicken, me makain lang ako!! kantahan to the max..siempre may games at may tribute dun sa nagturo sa AMIN ng sayaw..naaliw ako sa isang kasama namin kasi yung kinanta nya maganda di namin akalain na yun pala yung kantang yun (anu daw?) basta PAGTAWID yung title..
alas 5 am na natapos..paalaman, yung isa dun sinampal ko na at niyugyog tulog pa rin, pambihira ang impaktong yun parang di na magigising! mga 6 am tulog ako!kasi nga naglakad lang kame pauwi ang layo kasi ng bahay namin dun sa venue..habang tulog ..may biglang tumawag ng mga 12.30noon..pambihira nagyayaya na naman ang babaing di marunong matulog..me family day daw sila sa park invited daw kami..siempre ako para matapos ang conversation ang sabi ko lang …o sige (bedroom voice), sabi nya.."itay!natutulog ka pa yata" sabi ko, "medyo" tao kasi ako!, gusto ko pa sanang hiritan na "ikaw bakit gising ka pa?" kasi parang di talaga siya natulog..gumising ako at kumain lang, sinaksak ko din sa isip ko na kunwari ang cellphone ko lowbat, kasi may mga tumatawag nga, e yung isa ko ding anak anakan panay ang tawag..tapos may tumawag din isang ka sis. siempre with bedroom voice sagot ako ng hello.. sabi nya "tulog ka pa yata e" diko lang masabi.."oo tulog ako pero dahil sa pagtawag mo gising na ko" (sungit di ba?), mga 1.30pm natulog uli ako, nagising ako madilim na..kaya ang rest day na biernes literal na naging rest day!! tsalap!!tpos imbang gabi
December 23..
huling simbang gabi..may xchange gift sa simbahan ang nakuha ko..isang cute na teddy bear na may nakalagay na welcome to dubai sa tyan..yan me kalaro na ang camel ko..pareho kami ng nakuha ni bakulaw, kanya lang magkaiba ng kulay kasi yung akin normal na kulay brown, yung kanya kulay fuschia..waaaaaaaaaaaa, yung impakto dahil nakahiwalay at nag pa tweetums at dahil sa matanda nakipag xchange gift, baunang plastic ang nakuha..sabay nagrereklamo, e wat to expect pag mga ganun, ang alam nilang iregalo ay kundi tuwalya, e baunan!!hhehe, ang halimaw at barang since mag gg, parehong kandila ang ibinigay, ang nakuha pareho rin..galing din sa mag boypren!
after mass punta kaming 5 sa Tipanan at nag xchange gift din kami..ang halimaw panggulo, di nagbabasang mabuti kung sino nabunot niya!muntik pa tuloy maging 2 ang gift ko..ang natanggap ko? no comment!
December 24..
since plano nga naming mag ronda at magbahay bahay sa pasko (mga after 12 yun), pinagmayabang ko na na ok lang kasi halfday ako, mas nagyabang yung iba kasi wala silang pasok..sabi ko okay lang kasi wala naman taong nagpupunta sa opis pag ganun..uulitin ko walang nagpupunta sa opis pag ganun!!
mga 5.30 pm, excited na ko kasi nga may noche buena at salu salo din sa bahay tapos nga gagala..ayun tumawag ang amo ko..imbes na ala una ako papasok, alas dyes ako pinapapasok!!e wat to do siya ang amo!! kaya ayun bad trip..dagdagan pa na na encounter ko na yata ang pinaka masamang nilalang sa balat ng lupa…grrrr!
After office nagkita kami ni bakulaw, sisimba daw kami, ayun naibulalas ko naman ang mga hinaing ko, kaya okay na ko..pagpunta sa simbahan, ang bakulaw na frustrate kasi yung misa akala nya me karugtong pa yung simbang gabi..e mga pana na ang mga nagsisimba..sabi ko na lang ganyan din ako last year akala ko may huling misa after simbang gabi..di na kami nagsimba, bagkus sa pintuan na lang kami nag pray kasi ayawng magpapasok, after nun pasyal daw muna kami bago punta ng bahay since maaga pa, dun kasi siya noche buena, punta kaming city centre kasi balak ko nga na dun na lang bumili ng turkey (sosyal) na pang ambag sa bahay..ayun ikot dito at ikot dun, kakapagod hanggang pumatak ang alas 8, which means pasko na sa pinas, at kahit maupod na ang daliri ko e talagang tyinaga ko ang pagtawag (hrap kasi ng network)..ayun nakausap ko yung parents ko, ang mga ate ko sa amin nagnoche buena, masaya sila..dinig ko ang kasayahan nila, napaluha ako mentally (meron ba talaga nun?), kasi nung mga nagdaang pasko sinasabi nilang masaya sila pero ramdam ko na hindi dahil nga sa mga problema, pero nung gabing iba yung saya nila, iba talaga ang nagagawa pag may baby sa bahay, nag iiba ang disposition ng mga tao..wala kaming nabiling turkey palara na lang ang nakadisplay,ako nag cramming, di ko na alam kung saan ako bibili ng pang ambag..labas na kami ng ct centre hanap kami dito, hanap kami dun..kahit roast chicken na lang..wala kaming makita hanggang may madaanan kaming cafeteria na may iniihaw na manok, yun na lang sana bibilhin namin kanya lang nakakunsencia..nauwi rin kami sa isang pinoy restaurant sa rigga..di ba ang tibay mula citi centre hanggang rigga..nilakad para lang mag apuhap ng manok..
pag uwi ng bahay, feel mo talaga na pasko kahit wala ka sa pinas!
December 25!!
Merry Christmas!!
Alas dose..noche buena..siempre ako limitado ang makakain, galit yata sa pork yung mga naghanda, buti me uwi akong manok at yung lumpia e manok (tsalap kaya) basta ang talagang inupakan inupakan ko yung cassava cake!tsalap
after nun habang hinihintay namin ang mga kasama namin sa ronda, sali muna kaming games..pinoy henyo..di sa pagmamayabang 3 seconds lang nahulaan ko na, ang di ko kinaya yung isa dun lahat na yata ng boutique sinabi maliban sa "home centre", e dun lang naman kasi siya nagtratrabaho..
dumating ang kasama sa ronda after 48 years, feeling namin si barang nagpapalusot na naman, kesyo ganto ganun, pero sabi nga give love on Christmas day kaya lusot kayo! punta muna kami sa kanila, kainan na naman, ako di ko na kinaya tumanggi nako, pero ang bakulaw kumain ule.."me punchline pang di talaga ako kumain ng pasta kela del dahil alam kong me pasta d2" di ba lusot?, panay ang reklamo ko na may pasok ako ng alas diyes..ang halimaw di na nakatiis at sa kanyang pabalang na lenguwahe "buti ka nga alas diyes, ako alas 8!waaaaaaaaaaaaaa, suerte pa pala ko nung lagay na yun!!
sinundo din namin si shuhada!medyo nag iinarte kasi siya, masakit daw ang labi nya.. kaya ayun sumama siya sa ronda, next stop!! dun kami sa bahay ng babaeng di natutulog!!ayun kantahan, nalula ako sa pagkain, pero ang bakulaw, kain ule, walang kabusugan..yung halimaw kumain ng salad, pagkakain nakatulog,paggising nirereklamo ang salad me pampatulog daw..next stop na kami..sa bahay ng impakto naman!! , umuwi na ang iba, ang may ari ng bahay??? (babaeng di natutulog), nakalimang red bull yata, sumama pa!!waaaaaaaaaaaaa!! pagdating sa bahay ng impakto, ayun me pagkain uli..at di pinalampas ni bakulaw ang pagkakataon..kumain ule!! maya maya nagreklamo na siya ang sakit daw ng tyan nya….di na lang ako nag komento baka paskong pasko me masabi lang akong di maganda, alas singko na kami nakauwi..si halimaw sambakol na ang mukha, pero ang gg nyang si barang gusto pang humataw!!! wala rin siyang nagawa nung sabihin ni halimaw na umuwi na tayo..
haaay..kapagod, pag uwi ng bahay di pa tapos ang party, me galing ng Iran..di rin ako nakatulog ng mahimbing, kasi may kasiyahan pa sa labas, ng matapos sila, naalimpungatan ako..ang galing ng Iran..binati ako at kinamayan, gusto pa yatang makipagkuwentuhan..inunahan ko na "kuya may pasok ako maya maya"..
isang oras na tulog, pagkagising ko, ang bahay namin di ko nakilala, ang daming natutulog kung saan saan!!
pumasok akong nakasimangot..e sino ba namang matutuwa, paskong pasko plus 1 oras na tulog = me pasok! pagdating kong opis, di pa ko nakakaupo me nang asar na..sabi ba naman "u dont have christmas off, ur working?" sabi ko di ba obvious? sasampalin ko sana kanya lang iniisip ko na..pasko..pasko..pasko! teka..balikan natin ang statement ko kanina..pag ganito walang nagpupunta sa opis..MALI!! nak ng tokwa..nang aasar yata yung iba kasi ang daming tao..pero mga muslim yun at hindu..walang Christians..
Sinundo ako ni barang, bakulaw, halimwa sa opis gamit ang inarkila naming kotse, nagcimba kami..ayun kalahati ng misa tulog ang diwa ko..after nun, dapat sana pupunta kaming global kaya lang its too late kaya sinauli na lang namin ang inarkilang kotse, tpos kain kaming 4 (wala ang impakto) sa twin towers..nag hotpot kami..
si bakulaw bumili ng kamera excited siya kaya kahit sa monumentong walang ka appeal appeal nagpakuha! at gusto pa solo solo..sabi ko mag isa ka!!
lakad lang kami pag uwi..di ba ang titibay? pag uwi nagulat ako sa sarili ko kasi walang pang alas dose nakaratay na ang likod ko sa kama ko..first time in 53 years yun..hehe
Conclusion
malayo man ako sa pamilya ko, naging masaya ang pangalawang pasko ko d2, kahit nanginginig na ko sa antok..
salamat sa mga friends na mga pamilya ko na d2…
alam kong di dito nagtatapos kasi may new year pa!!
Merry Christmas!!ule sa Pamilya ko at friends sa pinas
d2..sa mga anak anakan ko (kahit tinatakwil na ko nung iba), mga friends, mga bro & si, titos and titas
new friends: barang, halimaw, bakulaw, impakto, glad to have you in my life!
new brothers & sister: daze, hayes, cass, al..also glad to have you in my life
God bless everyone!
CO-ACCIDENT!!
What a word!!! galing yan sa bibig ng isang kaklase ko nung college..may insidente kasing 3 kami magkakaklase na pare pareho ng damit (kulay pulang giordano classics)..ganito ang lumabas sa bibig nya "hoy kayong 3 nagusap usap ba kayo o co-accident lang yan??!! siempre kinorek namin na ang tawag dun ay co-incident..
medyo kulang sa hulog ang classmate kong yun / barkada na rin kahit papaano, medyo naalala ko lang kasi bday nya yata nung isang araw pati yung anak nya na inaanak ko naalala ko rin, huli ko kasing nakita yun nung binyag nya nung year 2000!!(tagal na!dami na utang), me mangilan ngilan ding sitwasyon ang ikinakatuwa ko tuwing maalala ko siya, minsan magkausap kami sa phone, naitanong ko kung ano ba ang get up (damit) ng inaanak ko pag natutulog..eto ang sagot.."naku yang inaanak mo, nauuna pa sa tilaok ng manok, ang agang gumising!!! (di ba ang galing?)..eto pa..English Class..at dahil ingles inglesan ang prof., gusto nya daw kaming makilala kaya he wants to know our pet names (nicknames), nagkataon siya ang unang tinawag..taas noo nyang sinagot ang prof " my pet name is "RAMBO"..wahhhhhhhhh, siempre what to expect kundi magtawanan..akala nya daw kasi pet’s(alaga) name ang tinatanong..
Naraise ko na rin lang ang co-accident (co-incident - ryt term), me mga naisip akong mga iba ibang co-accident na related sa buhay ko..
eto mga yun..
july 6, 1977 (7677) - bdate ko yan..muntik ng maging apat na 7 di ba?suerte daw yun ganyan..sana nga e naghintay na lang ang nanay ko ng isa pang araw..
july 31 - birthday ng 2 kong kapatid, sabay sila
montalbo-avelino (apelyido switch) - ang 2 kong kapatid na sabay ang birthday ay magkapatid rin ang napangasawa..kaya ang mga pamangkin ko iisa ang hilatsa ng mga mukha..pati dugong bisaya at ilokano ang nananalantay sa kanila!!
sept. 17 - bday ng aking butihing ina..incidentally, yung kuya ko passed away sa date na ito..how kalungkot..
dandelo - kakaibang 1st name pero believe it or not, college days may kaklase ako with the same name at may schoolmate ako yan din ang pangalan!!
eto pa
Mangasar - middle name ng isang SfC friend dito sa dubai, since kakaiba ang apelyido ngunit pamliyar, tinanong ko siya kung kaano ano nya yung teacher ko nung high school kasi yun ang apelyido, wala siyang kagatul gatol ng sabihin nyang "TITA ko"..ayaw ko sanang maniwala kaya lang matindi ang evidence, tita nya nga!
mang kanor at mang bestre - c mang kanor mumu sa haus namin..si mang bestre mumu sa haws nila kc..parehong me gusto kay gina! (pang asar lang ito)
eto di ko alam kung co-accident eto pero di ko talaga ito malilimutan..eto ang istorya!
nagtratrabaho pa ako sa makati nuon, mero akong ka opis mate, di kami personal na magkakilala pero magkakilala kami sa mukha lang, minsan nagkasabay kami sa MRT Buendia Station..
Officemate: Huy!(with matching tapik sa braso)..di ba ikaw yung bago sa office?
Ako: oo
Officemate: taga san ka ba?
Ako: valenzuela
Officemate: ako din e..san ka sa valenzuela?
Ako: sa marulas, sa may BB
Officemate: talaga???ako din taga dun! saan dun?
Ako: sa san miguel
Offiecmate: di nga! (with matching facial expression na gulat na gulat)..akalain mo?..anong road??
Ako: road 5..
Officemate: nyeee..dun din ako magkapitbahay pala tayo..
Ako: malamang..pareho tayo ng street! san ka dun?
Officemate: yung bahay namin malapit lang dun sa bahay ng kapitan..anu na nga bang pangalan nun?? anu yun e kapatid ni mang maeng….
Ako: mang domeng
Officemate: ah oo!..magaling daw yun e pero babaero daw yun e..
Ako: ewan?..e normal naman yata yun sa mga ganun..
Officemate: di dahilan yun no!! e ikaw ba san ka dun sa road 5
Ako: dun kela kapitan, tatay ko yun e!
Officemate: (namutla)..ay anak ka pala ni kapitan!!
Ako: di masyado..kaya nga dun ako nakatira e..tapos tatay ko nga di ba?
officemate: Hihihihihi
Ako: Hehehehe..HEH!
Ilan lang yan sa mga naalala kong insidente..pero sabi nila better to call it destiny rather than co-incidence
may mumu mi amigos
isa na namang multo ang nagparamdam, gulat lang ako kasi after a long time may mensahe..ni hindi nga niya naramdaman na umuwi pala ko kasi nagtanong pa siya kung kelan daw ako uuwi..sinagot ko naman..pero binalikan ko ang profile..ayun kaya naman pala nagparamdam..eniweiz..andito lang ako, gaya ng lagi kong sinasabi sayo..CepEdA!!!!
maiba naman ng kwento, nag fellowship nga pala ang infinity team (mga performers at production ng ever famous na infinity play)..ayun siempre masaya..kahit nagbabadya ang kalangitan at ang aking kailongan (sisipunin yata ako)…
inabutan kami ng bday ni jean…umulan din ng pagkain..nawala lang ang appetite ko nung ibinuhos yung sitsiriang nagngangalang "AMIGOS"
eto ang istorya ni AMIGOS
nung october binili ko yun nung pupunta kami ng dessert safari ng mga ka opismates ko..naiwan ko siya sa bahay!!
matagal siyang nakaimbak sa bahay dahil nag aantay lang ako ng pagkakataon kung saan ko siya babaunin!!ayun nga at nung nagprapraktis kami (last practice yata yun) dinala ko, at dahil mas sikat si doritos (may nagdala)..si amigos nabalewala, inuwi siya nung isang kasama namin, di pa nakuntento..dinala pa siya sa MEC..at dahil bisi bisihan at mas maraming dapat pdeng kainin.. si amigos nabalewala ule..akala ko dun na magwawakas ang buhay ni amigos..nung Friday..Lords day, kinilabutan ako nung dalana naman siya nung isang kasama namin..akalain nyo buhay pa si amigos..buhat buhat ko siya hanngang pag uwi, hanggang nakakuha ako ng pagkakataon na ipahawak siya sa iba..akala ko magkakainteres ang humawak..ipinasa sa iba..sa wakas nadispatsa ko rin si amigos..nung maghiwahiwalay na kami ng gabing yun isinasauli sa kin..sabi ko iyo nalang, kaya napilitang niyang iuwi..nung fellowship..walandjo!! andun ule si amigos..gusto ko na sanang itapon, sabi ko pag di pa yan nabuksan at kinain ngaun e kapwa patawaran kami ni amigos..
eto na..dahil nga matatakaw kaming lahat, at may baon at dala kaming doritos with matching dip..ibinuhos ang doritos sa box ng pizza para madaling makakuha ang iba..sa gitna ng kasarapan ng pagkain..ayun ang gumanap na lucius..pinanindigan ang pagiging lucius..binuksan si amigos at hinalo kay doritos..all of a sudden, wala ng gustong kumain!! nagtataka lang ako kung anong meron ke amigos bakit ayaw siyang buksan..sa aking pag aanalisa..di kaya dahil kamukha niya ang itsura ni Humpy dumpy na kulay dilaw?????